Wednesday, March 18, 2015

Kwentong Ukulele

"Ukulele ba iyang dala mo?"
"Opo." sabay ngiti.
"Ang galing naman! Ako kasi dati tumutugtog ng banduria."

Diyan nagsimula ang pag-uusap namin ng katabi ko sa bus kanina, na nauwi sa isang mahabang kwentuhan tungkol sa aming buhay, trabaho, atbp. Ang galing ko raw dahil ang dami kong alam na gawin. Ni hindi ko nga nabilang kung ilang beses lumabas yung "Ang galing mo naman iha." mula sa kaniya. Pusturyosa ang ginang, nasa 50s na siguro. Mabait, binigyan pa nga ako ng tsokolate.

Matapos magpalitan ng pangalan at numero, malama't laman ko lang na Assistant Vice President na pala siya ng kanyang department sa BDO. Binilin na subukan ko raw na mag-apply, kaso baka hindi ko na raw tanggapin ang starting pay nila. Nasabi rin niya sa akin na gusto raw niyang magkaroon ng anak na babae dahil nag-iisa lang ang anak niya, at lalaki pa. Naisip-isip kong baka ampunin ako nito kung magvo-volunteer ako, o kaya i-reto ako sa anak niyang apat na taon ang ibinata sa akin. Hi tita! Hihi.

Moral lesson:
Magdala ng ukulele palagi. Haha. Joke. ang moral lesson talaga rito ay maging mabait sa kung sinuman ang makausap, at maging humble. Malayo ang mararating ng tao kung mayroon sila ng dalawang katangiang iyan.